Friday, September 16, 2011

Panalangin

Isa. . .


Dalawa . .

Tatlo . . .




Kahi one minute lang gusto kitang mayakap.

10 seconds.


Kahit last na.

Kahit napakasakit na.

Kahit mukhang tanga na sa kakaasa sa wala.

Kahit mugto na ang mga mata sa kakaluha.


kahit wala ng tulog sa kakaiyak at kakaalala.


Kahit mukha ng tanga sa  pagkakatulala.


KAHIT hanggang ngayon lang, pagbigyan mo ang puso ko na sabihin ang laman ng aking puso.


Mahal kita ! Sobra-sobra pa.

Sana malaman mong ayaw kitang isuko pero kung eto na talaga ang gusto mo, may magagawa pa ba ako?

Ilang titig ba ang ginagawa ko tuwing hindi mo nakikita?
Ilang buntong-hininga ang pinakawalan kakaisip sa mga nasayang na panahon?


Ilang patak na ng luha ang naglandas tuwing naiisip ang mga pinagsamahan?



Sa sobrang dami nila hindi ko na mabilang.



Alam kong maaaring mainis ka at mabadtrip ka lang sa mga post ko.


Puro pagiging BITTER lang.


Hindi ko naman talaga sinadya ee.

Mahal lang talaga kita.


Umaasa ...


nagpapakamartir...


at nagmumukhang TANGA.


Pero bakit hanggang ngayon IKAW pa rin?



Sana COMPUTER na lang ang puso ko.


Para pwedeng IREFORMAT.


Pwedeng magrestart.


Idelete ang nakaraan.


at IREFRESH ang lovelife.


Or ISHUT DOWN ang lahat ng sakit.


Pero Tao ako eh.


Nasasaktan.
Nagmamahal.





Pero lilipas din ang panahon...



Maaaring NALIMOT mo na ako.




Pero alam kong NAGHIHINTAY pa rin ako,


KAHIT pa magmukha akong gago.


Anong magagagawa ko?


Ikaw ang MAHAL ko.



Kaya sa mga panalangin ko,

Hinihiling na maalala mo ang dati nating PANGAKO.

No comments:

Post a Comment