Tuesday, September 13, 2011

Hanggang sa muli, PAG-IBIG!

Ambilis.

Parang dati, inlove na inlove kami.
Suddenly...


Nagkalabuan,

Nag-away,

Nagsisigawan,

Nagiiyakan,

Nagsusumbatan...




Bakit parang yung dating lambingan biglang nawala?

Nagkasawaan na ba? Bakit ang sakit?
Kung kailan sinusubukan mo na ang lahat. Lahat para lang maayos ang problema niyo biglang dadating yung mga di pagkakaintindihan.


Titibagin ang tiwala..

Pagmamahalan..


Pero ang mas masakit pag mas nauna na siyang bumitaw.
Yung tipong parang nakasabit ka sa bangin at ang tanging pinaghahawakan mo ay isang sinulid.

Alam mo ng walang pag-asa pero kumakapit ka pa din. 

Ang hirap talaga. Pagmamahal?

Parang feeling ko basagan ee.

Paasa.
Paluha.


Kung sana sa simula pa lang di ko na sinubukan.


Di ko sana madadama yung sakit, lungkot, kawalan ng pag-asa at hinagpis.

Ang maganda lang niyang nadulot ay ang mga alaalang tinabunan na ng lungkot,

mga masasayang pagsasama,

Mga tawanan,

Mga litrato

at mga Lambingang walang kumpas.


Ngayon,


Nandito ako sa harap ng Laptop ko.

Nagboblog kung gaano kasakit ang magmahal.

Mukhang gago,

pero dati parang nasa isip ko lang na madali lang mag-move on at kung makapag-advice ako sa iba, tipong master na ako, pero ngayon...


Eto ako...




Umiiyak kakaisip sakanya.


Hinihiling na sana...


Sana lang talaga...







Balikan niya ako.




Pero tama na...



Sisingit pa ba ako? Kung nagsisimula na siyang gumawa ng PANIBAGO niyang LOVESTORY?


LOVESTORY kung saan


IBA na ang leading LADY...


Iba na ang story,,


At isa na lang ako sa mga EXTRA

na wala ng KWENTA

para sa BIDA. :(


No comments:

Post a Comment