Sa ilang pangyayaring hinarap ko sabuhay ko, ang magmahal ang pinakaKomplikado at pinakaAbnormal na naramdaman ko.
Aaminin ko ang blog na toh ay naglalaman ng puro pagkamuhi at pagkaBITTER sa pag-ibig at sa ibang tao.
Anong nangyari sa mga nakaraang buwan? EWAN.
Parang nasa loob ako ng Mabilis na sasakyan tapos biglang tumigil tapos bumaba ako.
Ngayong nakababa ako sa mabilis na sasakyan , hindi ko alam kung saan ako tumigil.
LIGAW.
Ako ay NALILIGAW.
Dama ko na para akong bata na sinama magGrocery tapos natuwa sa isang lane na puro Candy tapos paglingon ko, wala na si Mama.
bigla kong nararamdaman yung takot.
magwawala sa kakahanap.
Nasa akin kuung Iiyak ako para mahanap o Kikilos para mahanap.
Pero kung ikukumpara toh sa nangyayari ngayon,
Mukhang mas pinili kong kumilos at hanapin yung taong Gusto kong makahanap uli saken.
gusto kong yakapin niya ako at iparamdam na hindi niya ako iiwan.
Pero . . .
Lalo akong natatakot pag lalo akong kumikilos.
Paano kung walang mangyari kahit lahat gawin ko na?
takot na akong masaktan.
Parang lalo kong naiisip na sayang lang ang mga pinagdaanan naming DALAWA.
Natatakot ako...
takot na takot. Swear.
Kailangan ko na bang bumigay o hayaan yung pagkakataon na tulungan ako.
Sa dami ng nakilala kong tao, siya lang ang gusto kong makasama habang buhay.
Sobra na ba ako sa pagpapahirap sakanya?
Sa huli ba, tulad ng iniisip kong ginagawa ng lahat ng tao ay gagawin niya?
Ang Iwan niya ako?
Isa nanaman ba tong Balewalang Pag-Ibig?
O isang tunay na pag-ibig?
No comments:
Post a Comment