Saturday, October 1, 2011

Darn MEMORIES

Yung feeling na ayaw mo na maalala

pero bigla mo naaalala lahat...




Yung mga oras na magkasama kayo..



Yung mga pangako..



Yung mga yakap at halik...



minsan nahihiling ko pa rin na sana mabalik.



Dapat tinitigil ko na toh.



Nagpromise na ko sa sarili ko na hindi ko na to ulit iiyakan.


Pero bakit ganun?

paulit-ulit ko pa rin sinasabi at nadadamang MAHAL pa rin kita,


Kahit ayaw ko na.


kahit sinasampal ko na yung sarili na magising sa katotohanan.


katotohanang di ka na babalik pa.


Lingon dito, lingon dun.


kahit saan ako magpunta kaw unang hinahanap.

Nagbabakasakaling makita ka.



Sinasabi ko sa ibang okay na ko,

pero sa loob-loob ko..


alam ko niloloko ko sarili ko.


Tanga na talaga siguro ako.

Bakit ba gustong-gusto ko ipilit sa iba ung sarili ko.


Bakit hindi pa ako matuto?

Bakit ba ganito?



Pinipilit ko lang masaktan ang puso ko?




Sana nga di mo toh  nababasa ee.

Nakakahiya.


Sana yung taong pinapangarap mo...


mahanap mo na.

Sana natulungan kitang marealize kung paano magmahal...



kahit sandali lang.



kahit patikim lang ang binigay mo.



Tsaka nga pala...

sana monthsary natin this october 1. funny. kaninang umaga di ko man alam na October 1 na.


Parang automatic na binura ko na sa utak ko ng bigla kong nakita ung gift mo dati...



Dun ko naalala lahat.


Ung mga plano.

pangako...


lahat naman napako. haha. T.T


natatakot akong makita kang may kasama ng iba


pero ano pa bang magagawa ko kung sakali.


Parte na lang ako ng nakaraan at wala ng karapatan.



Alam mo ung feeling na parang babalik pa pero wala na pala talaga?

eto yun.


at eto ung pinakamasakit.



Parang Ung RIBS ko binasag.


Mukhang okay sa labas...



pero tuwing HIHINGA ako


ang sakit-sakit. :(

Parang gusto ko ng tumigil sa paghinga.


para matigil na ung sakit.





Dati bago kita nakilala.

nagtataka ako kung bakit may mga taong umiiyak dahil sa pag-ibig...


Bakit may mga napupuyat sa kakaisip sa taong mahal nila...

dati tinatawan tawanan ko lang to.


pero nung nakilala kita.


parang karma na nagsibalikan to saken.


di ako makakaen kakaisip pag may away tayo.

gaano kasakit sa damdamin na gustong-gusto na kitang tawagan para makausap ka lang pero di ko magawa dahil gusto kong ikaw ang lumambing saken at sabihin,

' sorry na, i love you.'


ilang beses akong naluluha bago matulog sa tuwa dahil naisip kong ikaw na nga.




Tapos...

eto..


katulad nila


Umiiyak sa gabi..


maga ang mga mata.


ayaw ng bumangon pa



dahil wala ka naman na.



Sabi nila normal lang toh.




Sana talaga mahanap mo yung taong para sayo..


kahit kasi hilingin kong sana ako,..


di na pwede...




sana hilingin mo ding mahanap ko yung para saken para ituro kong ikaw ang gusto ko.














MGA alaala..


mga bagay na sa akin ay nagpapaluha.




hindi pa din ba ako magsasawa?



kasi pagod na din ung puso ko ee.


wala naman na dapat..




pero eto ako...



UMAASA.


TANGA pa din. :(


SOBRA NA! SH*T! TAMA NA REHMYL!

TANGGAPIN MO NG WALA KA NG LUGAR SA BUHAY NIYA!

PLEASE LANG!


Please . . .







No comments:

Post a Comment